
For Adam Bryce
Habang lumalaon, lalo kang tumatatas sa pakikipag-usap. Kaya kung dati, ala-alaga ka namin, ngayon parang nagiging tropa na tayo. ?
Kapag naglalaro tayo ng blocks, dati building-building lang. Ngayon, gawaan tayo ng kakaibang mga sasakyan at robot, tapos banggaan, wasakan. Kaya mga blocks mo, puro may basag. ?
Pero higit doon, kapag binabasag ko ang mga gawa mong robot (dahil labanan naman talaga), ngangalngal ka, tapos maririnig ng nanay mo, sasaklolohan ka. Pero tatawanan lang kita, sasabihin ko gawa ka na lang ulit, tapos mas matibay. Tapos ako naman magpapatalo, tapos tatawa ka nang tatawa lalo na kapag natatanggal ang ulo ng robot ko. ?

Minsan tatawagin mo kong “Yo!”
“Let’s play, Yo! Play two ten minutes with me, please. Just let me, please. Reals, ok?”
Tapos lalaro naman tayo at pagka-alarm ng 2nd ten minutes, sasabihin mo “super last”. Tapos after nun, “super super last”. ⏰
Napakabilis ng panahon lalo na sa mga bagay na nagbabago. Isang araw, basketball na ang lalaruin natin at baka ako naman ang ngangalngal. Pero sana laging ganun lang, lagi tayong nag-spend time. ?
Ang pagiging tatay ko sa’yo ay isa sa mga nag-elevate ng buhay ko, anak. ? At ganun din ang hope namin, na mas maging ok ka na tao.
Hi-five, lo-five, hi-face! ??